Himay ng "Samahan"

May mga hidden messages at symbolism sa music video ng "Samahan". Mga bagay na hindi agad mapapansin sa una, o pangalawang besesna panonood. Kung may mga nakita ka, astig. Kung wala, booyset ka sinayang mo ang effort namen. At para sa mga ayaw nang maging booyset, eto ang mga medyo tagong details sa music video ng "Samahan."

-Pangalawang buklat: Hanggang 13 O'clock ang orasan. Kilala ang number 13 as symbol ng kamalasan. Representation ang clock na yan ng mga oras sa buhay na pakiramdam mo minamalas ka. Sa mga oras na ganyan, kung sino ang nandyan para umalalay sayo, yon ang pwede mong ituring na mga tunay na kaibigan.

-Pang apat na buklat: Bunso gives the score 100,000 for Boss Chip's dunk. Wala lang.

-Pang-walong buklat: Crossword puzzle clues and answers.
DOWN
1. Ibang salita para sa pundasyon - Sandigan
2. Epekto ng epoxy sa bangka na pinukpok ng higanteng martilyo. - Pinagtibay
3. Ginagawa ng mga school bus tuwing uwian. - Hatid
4. Pangalan ng babaeng artista na may apilyidong "Curtis". - Ang
5. Initials ng isang "Super Star". - Na
6. Nagpapahiwatig ng pagmamay-ari. - Ng
7. Balitang Kuya Kim. - Panahon

ACROSS
1. Tagalog ng "companionship". - Pagsasama
2. Hindi parin makuha ng gobyerno sa mga tao. - Tiwala
3. Wrong spelling ng "hinubog". - Himubog (Nagkamali kami ng spelling, tinamad kami ayusin)

4. Apilyido ng Chinese. - Ang
5. Initials ng "Non-government Organization". Pwede ding apilyido ng Chinese. - Ng
6. Title ng kantang 'to. Hindi apilyido ng Chinese. - Samahan

-Pang-sampung buklat: Bottle opener ang sword. Hindi dahil kailang mag-inuman ng mga magkakaibigan. Naisip lang namin na inuman ang kinababagsakan ng mga relevant na moments sa buhay ng mga magkakaibigan. Kung pag-uusapan ang problema, at syempre to celebrate success, an achievement, or a win.