Mga Epal.com Theories: Pacquiao, Bradley, and the Illuminati

Bago ang Pacquiao-Bradly fight, sinabi ni Timothy Bradley na "I'm ready to shock the world". Nung June 10 (Sunday), na-shock nga ang buong mundo, pero hindi dahil sa nagawa ni Bradley, kundi sa ginawa ng dalawa sa tatlong judges. Wala nang dapat ikwento dyan. Mapait ang hinain ng judges sa lahat ng nakapanood nung laban. Mapait dahil NASOBRAHAN SA PAGKAKALUTO. Kung hindi mo alam kung anong nangyare, itigil mo na ang pagbabasa nito at bumalik ka na sa kung saang imburnal ka man nagtago nung June 10.


Madaming haka-haka ang pinanganak tungkol sa dahilan kung baket si Bradley ang diniklarang panalo kahit SOBRANG halata naman na lamang si Pacquiao. Nandyan ang hinalang si Bob Arum daw ang pay pakana dahil sya ang promoter ng parehong fighters. Malapit na daw mag-retire si Manny kaya ginagamit sya para mapataas ang "kalidad" at presyo ng ibang fighters. Kailangan daw kasi ni Arum ng bagong gagatasan kung sakaling mag-retire na nga si Manny. May ilan naman na naniniwalang mafia ang nasa likod nung nangyare. May mga mafia boss daw na tumaya ng malaki kay Bradley kaya tinakot o ginamit nila ang mga judges para ipanalo si Bradley. May iba naman na sinasabing planado ang lahat para magkaron ng rematch. Hahatak nga naman ulit ng milyon-milyon ang susunod nilang paghaharap. Magkakaron pa ng chance para sa 3rd fight kung sakaling manalo si Manny, na magdadagdag pa lalo sa kinita ni Bob Arum.

Dito sa MgaEpal.com, humapyaw din samin yang mga possibilities na yan. Pero may tatlo pang theories na naglaro sa utak namen.

Theory 1:
Natalo si Manny dahil natalo ang Boston Celtics sa game 7 ng Eastern Conference Finals ng NBA. Celtics fan si Manny, at pinadalahan pa nya noon ng autographed boxing gloves lahat ng players ng Boston, pati na si Doc Rivers. Sinabi ni Bob Arum noon na hindi na nya hihintayin na mag-request pa si Manny na umpisahan ang laban nila ni Bradley pag tapos na ang Celtics-Heat game, nagkusa na si Arum para daw makanood si Manny at parehong mapanood ng mga tao yung laban ng Miami vs Boston, at Pacquiao vs Bradley. Alam ng mga totoong basketball fans na pag natalo ang team mo at avid fan ka, nakakawalang gana o nakakapanghina ng pakiramdam yon. Avid fan si Manny. Natalo ang Boston. Kahit lumamang si Pacquiao kay Bradley, maraming nakahalata na hindi ganon kasigla si Manny kumpara sa mga nakaraang laban nya. Kung noon halos hindi nagbabago ang bilis at punching power ni Manny mula 1st round hanggang 12th, sa laban nya kay Bradley, hindi vintage Manny Pacquiao ang nakita sa mga closing rounds. Kaya kahit lamang sya sa scores, nakahanap ng butas yung dalawang judges para ipanalo si Bradley.

Manny Pacquiao with Kevin Garnett, Paul Pierce, Rajon Rondo, 
posing for a personal photo session after Boston won the 2008 NBA championship

Theory 2:
Nitong mga nakaraang buwan maririnig sa balita na sobrang devoted na ni Manny sa Christianity. Kung noon religious lang nyang sinusunod ang mga turo, ngayon lumalabas na "ambasador" na sya ng Kristyanismo. Hindi lang sa Pilipinas sikat si Pacquiao, international icon sya, at tinuturing na ngayong sports legend dahil sa mga nagawa nya sa boxing. Nakalinya ang pangalan nya sa mga stars at icons tulad nila David Backham, Michael Jordan, Madonna, Muhammad Ali, Will Smith, Tiger Woods, at Mickey Mouse. Pag ganyan ka kasikat at maimpluwensya, madaming tao ang makikinig sayo. Sa pagiging active ni Manny sa religion, malaking tulong yan sa international image ng Christianity. Bagay na hindi nagustuhan ng Illuminati. Ang Illuminati ang pinaghihinalaang nasa likod ng ibang events sa history kung saan binubulgar nila ang mali sa religion (pinaka madalas sa  Christianity), o kaya sa pagpigil ng paglago ng  Christian religions. May galamay ang Illuminati sa buong mundo. Mula politicians, Hollywood stars, athletes, musicians, at mismong  Christian leaders, may tauhan ang Illuminati. Tinatag noong 16th-17th century, at ngayon ay may more or less 6 million members, ang secret society na yan ay may agenda for a "new world order" at isa nga dyan ay palaganapin ang isang religion na kontrolado nila. At para magawa yan, kailangan nilang pabagsakin ang mga nangungunang religion sa buong mundo pag dating sa dami ng members; Ang Islam at Kristyanismo. Kung maraming influential na tao ang member ng Illuminati, hindi sila mahihirapan pigilan ang lalong paglaki at pagkilala ng pangalan ni Manny Pacquiao kung nakikita nga nilang threat sya sa agenda nila dahil sa public showing nya ng pagsuporta at pagpapalaganap ng Christianity.



Theory 3:
Akala ng dalawang judge na nagpanalo kay Timothy Bradley, pahabaan ng bird ang laban.


images hugot dito, dito, dito