More than one month kaming nagpahinga. Nagsimula nung Holy Week, uso kasi ang tamad non. Syempre hindi kami nagpahuli sa uso. Ang daming chismis kung baket hindi kami nagpaparamdam non. Nandyan ang na-hack na naman daw ang site. Nag-away daw at nagwatak-watak na kami. Kinuha na daw kami as writers sa channel 5. Lumipat na daw kami sa Mars dahil magugunaw na ang Earth. Natupad na daw ang pangarap naming maging bold star. At kung ano-ano pang hinala. Ang totoo, nagpahinga lang talaga kami. Sabi nga namin noon, minsan kailangan ng pahinga para sa mas mabangis na pagpapatuloy.
Madami kaming narealize don sa more than one month hiatus namin. Narealize namin na nagiging routine masyado ang mga pabasa. Na hindi na kami ganon kaganado magsulat noon. Narealize namin na yung anghang ng Mgaepal.com nung nagsisimula pa lang 'to, nabawasan. Kung baga sa sawsawan hindi na chili, sweet chili na lang. Kaya imbis na mga matibay sa anghang lang ang nakakasawsaw, pati mga pa-cute nakikisawsaw. Narealize din namin na hindi pwedeng ma-compromise ang mga opinion namin sa mga issue dahil lang may mga kakilala namin na tatamaan. Narealize namin na hindi lang puro panget sa politika ang dapat pansinin, at dapat paminsan-minsan punahin din ang mga nag-effort magbait-baitan para naman mas ganahan sila na mas lalong magpanggap na mabait. Narealize namin na kamuka ni Dolphy si Jackie Chan. Narealize namin na gaganahan lang kami magsulat ulit kung babalik kami sa basics. Narealize namin na hindi namin kailangan ng quantity kundi quality readers dahil walang kwenta ang mga pabasa kung hindi iintindihin ang mga punto. Narealize namin na sa dami ng realizations na yan, ang pinaka matatandaan mo ay magkamuka si Dolphy at Jackie Chan.
Well anyway, eto na, back to regular programming na tayo. May kaiinisan na naman ang mga politiko, may paghuhugutan na naman ng hirit ang mga TV shows, may pagkukunan na naman ng idea ang mga documentaries, at may araw-araw na panandaliang aliw na naman ang mga may internet connection.
Ready... Aim...Apir!