Nanay sa Florida, sinakal ang bully ng anak nya.

Nag-post ang anak ni Debbie Piscitella sa Facebook ng picture na naka-shorts sya. Madaming gumagawa nya. Nothing special. Kaso isang kakilalang babae ng anak ni Debbie ang nag-comment sa picture na sinasabing mataba ang anak nya. Sinundan pa ng mas kupal na comment ng boyfriend nung babae. Sa comment nung lalake na kaklase pala ng anak ni Debbie, sinabi nung lalake na sa sobrang kadiri ng itsura ng anak ni Debbie, wala daw magtatangkang mang-rape sa kanya. At mamatay na lang daw sya at i-donate ang katawan nya sa science. Isang araw, nagkataon na nakita ni Debbie yung gagong lalake sa mall at nagkaron ng confrontation na umabot sa pananakal ni Debbie dun sa bata.


Tama ba na patulan ng isang nanay ang bully ng anak nya? May justification ba na pwedeng ibigay sa ginawa nyang pagsakal dun sa bata? Dapat pa bang maki-alam ang magulang sa physical or emotional attack sa anak nila? Oo. Oo. At put*ng inang Oo. Masyadong madaming batang pa-cool ngayon na dinadaan sa pangbu-bully sa kaklase ang pagpapatawa. Kung hindi matuturuan ng leksyon yang mga batang kupal na yan, tatandang kupal yan. Ang mali lang siguro sa ginawa ni Debbie ay ginawa nya sa harap ng madaming tao ang pananakal. Hindi namin sinasabing dapat ginawa nya ng patago, ang point namin, dapat pinasampal nya na lang sa anak nya. Tapos pag reresbak yung lalake bigla nyang aawatin. Tapos kunyare kakausapin nya yung magulang nung lalake para ayusin ang gulo, pero ang totoo gusto lang nyang ipaalam sa magulang nung lalake ang kagaguhang ginawa ni loko. Yung magulang na nung lalake ang bahalang magparusa sa kupal nilang anak. 

Against kami sa pananakit ng matatanda o mas matanda sa bata, dehado kasi yung bata. Pero kung parehong bata ang involved. Lalo na kung babae ang dehado at siksik, liglig, at umaapaw ang kakupalang ginawa, tang*na saktan na yan. Sige ganito na lang... isumbong muna sa teacher, pag walang ginawa ang teacher na proper sanction, saktan na yan. Alam naming mali yang advice namin kaya bahala na kayo kung susundin nyo yan. Hindi kami konsensya. Gusto lang naming magkaron ng takot ang mga bata at matuto magtimpla ng biro o pang-aasar. At matakot ang mga magulang na kung hindi nila tuturuan at kokonsintihin pa nila ang pangbu-bully ng anak nila, dadating ang panahon na may papatol at hahatol sa anak nila.

Kung sino man sa inyo ang may problema sa mga excessive (sobrang) pangbu-bully ng kaklase o schoolmate nila, itimbre nyo sa Tip Box. Kung may ebidensya kayo, susubukan naming makatulong. Dahil kahit nung high school pa lang kami, sanay na kaming magung bully ng mga bully. Isama nyo lang ang facebook account, email, o cellphone number ng bully nyo, kami na ang bahala. Marunong naman kami magbigay muna ng babala. Apir sa mga bullies na nakabasa nito... apir sa muka nyo gago.