Sa panahon ngayon, kahit mas madiskarte ka sa iba at kahit mas marami kang alam, bobo ang tingin sayo pag wala kang college diploma. Ganyan sa mundo na naniniwalaang anting-anting ang diploma pangontra sa kamangmangan. Oo sobrang importante ang education, pero kung makokontento ka na basta makapagtapos ka lang at makapagsuot ng toga, ang pinagkaiba lang ng papel na tatanggapin mo sa stage at sa papel na nakarolyo sa kubeta, ay mas masakit ipahid sa pwet yung isa. Kung sa pagtatapos ng pag-aaral mo pa uumpisahan ang pagpaplano ng susunod mong hakbang, sayang yung mga oras na pwede mong gamitin para ihanda yung mga bagay na magpapalaki ng chance mong maging successful agad. At matututunan mo lang kung ano ang matututunan din ng mga kasabayan mong nag-aaral.
"Importante ang kaalaman, pero mas importanteng malaman mo ng maaga kung anong kaalaman ang dapat mong malaman." -MgaEpal.com
