"Political Boxing"

Dahil sa nangyaring bullshit sa laban ni Pacquiao at Bradley, gusto nila U.S. Senator John McCain at
U.S. Senate Majority Leader Harry Reid na magkaron ng United States Boxing Commission. Kung nagkataon kailangan daw na licensed nung U.S. Boxing Commission ang mga magiging referee at judges sa mga professional fights na aabot ng 10 rounds at mga championship bouts. Para daw mas maiwasan ang incompetence at conspiracy.

Parang may sense ang idea, pero mukang madadagdagan lang ang kailangang kunin na lisensya ng mga officials at judges. Hindi naman mas magtitiwala ang mga boxing fans kung mas madami lang silang accreditations. At isang bagay pa, kahit relevant amount ng pera ang napapasok ng boxing sa U.S. at understandable na concern sila sa trust ng mga fans sa sport, sa tingin ba nila mas magtitiwala ang mga tao pag nakialam sila? Marami na ngang nagdududa sa integrity ng boxing dahil sa mga promoters, tapos ngayon balak pang pumapel ng mga politiko?! Akala ba nila mas magtitiwala ang mga tao pag involved ang mga politicians?! Nag-isip ba sila?!!

Pero teka... diba politician din si Manny?
image hugot dito