
Sympathy for our politicians.
Kahit papano, nakakaawa din ang mga politiko. Akala natin madali lang ang ginagawa nila, pero ang hindi natin naiisip ay araw-araw nilang kinakailangan magpanggap na nagtatrabaho sila. Aba mahirap yon. Yung mga politician naman na nakukulong sa bilibid, kahit may special treatment sa kanila, sobrang stress ang nararamdaman nila. Matinding research ang kailangan para lang malaman nila kung anong mga sakit ang hindi kayang gamutin dito sa Pilipinas, para makapagpanggap sila na meron sila non at mapayagan sila na magpagamot kunyare sa ibang bansa. Araw at gabi, kailangn nilang magsakit-sakitan. At mahirap umarte para sa knaila dahil hindi naman lahat ng politiko sa Pilipinas artista, karamihan lang. Kaya nananawagan kami sa mga Pilipino, na kahabagan naman natin, at bigyan ng kahit konting simpatya, yang mga put*ng inang yan..