Warm up. Stretching muna ng utak.

More than a month na mula nung nagbakasyon kami. Higit isang buwan na walang binabasag o hinihiritan. Ang daming nagpadala ng email tungkol sa kung ano-anong issue na nangyare. Wala naman kaming balak balikan yung mga past issues kaya sa isang bagsak pasadahan natin yang mga yan.

Natuwa ba kami na bumisitasi Lady Gaga sa Pilipinas? Oo, dahil nakakatuwa tuwing may Madonna wannabe na bumibisita dito. 

Proud ba kami na may half Filipina na umabot sa finals ng American Idol? Hinde, hindi naman sya marunong magtagalog. At para sa kanya, Filipino daw sya dahil Filipina ang nanay nya at kumakain sya ng adobo. Wow, napaka nationalistic naman nyan. Wag na nating ipag-flag ceremony tuwing umaga yung mga studyante, pakainin na lang natin sila ng adobo kung yun lang din naman ang palatandaan ng pagka-Pilipino.

Masaya ba kami na guilty ang verdict kay Corona at napatalsik sya as Chief Justice ng Supreme Court? Hindi naman kami masaya sa nangyare, napa-smile lang ng matagal.

Sa tingin ba namin dapat talagang masuspend ang T3 ng Tulfo brothers? Oo, pero hindi dapat 3 months suspension. 2 days ayos na. Yung unang araw ng suspension ng T3 para kay Claudine, para lang matuwa sya at hindi sya mag-iskandalo tulad ng ginawa nya sa airport. Tapos yung pangalawang araw ng suspension ng T3 para kay Raymart, reward sa kanya dahil ang galing nya magtapang-tapangan pag isa lang ang kaaway at kakampi nya ang boyfriend nyang naka-pink na t-shirt. Pero sa tingin namin ang dapat masuspend sa trabaho ay kung sino mang bobo sa MTRCB ang nakaisip na itranslate ang "Parental Guidance" sa tagalog bilang "Patnubay at Gabay" dahil pareho lang ang ibig sabihin ng PATNUBAY at GABAY. Mga abnoy!

Tama na. Sa ngayon yan muna. Na-miss lang naming mairita sa mga issue at magputok ng mga opinyon na nabubuo sa inuman. Matagal kaming nagbakasyon kaya kinailangan lang naming magtag-tag ng kalawang. Next time na tayo maghimay ng detalye sa kung ano-anong issue. Sigurado namang hindi mauubusan ng kalokohan ang Pilipinas.