Tanong galing kay Teteng:
Saan po ba nanggaling ang salitang "Ows?" At paano siya nag-evolve at naging "weh?"
MgaEpal.com:
70's nagsimula yang "Ows?". Galing sa "O' talaga?" na pinaiksi at naging "O'?" at dahil minsan kaugalian na lagyan ng "s" ang dulo ng slang expressions, naging "Ows?". Pinaka appropriate gamitin pag may halong pagkagulat ang disbelief.
Example:
Gladys: Hiwalay na daw si Nina at Rob?
Karen: Ows?! Di nga?
Ang "Whe?" naman, hindi yan galing sa "Ows?".Late 80's to early 90's kung kailan madalas marinig sa mga tagalog comedy movies ang expression na "Nye!" nauso yan. Pinahaba at ginamit ng mga tao ang "Nyeee" para ipang bara sa mga corny jokes, at yon ang nag-evolve at naging "Wheee". Na naging "Whe?" pag ginagamit para ipang bara kung gustong iparamdam o magpanggap na hindi naniniwala ang isang tao sa sinasabi ng kausap nya.
Example:
Arman: Ako lang mag-isa gumawa ng project ko. Walang tumulong saken 'no!
Paula: Whe? Di nga?
Akala lang ng mga studyante ngayon na sila ang nagpauso ng "Ows?" at "Whe?", pero kung tutuusin laspag na yan. Ang bago ngayon ay "Broccoli na may toothpaste?"
Example:
Sandy: Badtrip! May long test daw bukas sabi ni ma'am!
Elbert: Broccoli na may toothpaste? Di nga?