Magandang araw po mga sir. Tanong ko lang po kung bakit dumadami ang mga edited picture ni thor, na kahit saan image na lang yata pinipilit nilang ilagay?
MgaEpal.com:
Sa totoo lang, sa ngayon hindi pa din namin alam kung ano ang ugat nyan. Kaya kung sino man ang may pakana, o may alam kung saan pinaka umusbong yang meme na yan, itimbre nyo lang sa Tip Box.
Sa tanong mo kung baket nauso yan, malamang dahil medyo nasa uso parin ang Avengers, at easy target ang pangalang "Thor". One syllable lang kaya pwedeng-pwede ipalit sa madaming sylables basta may "or".
Thor meme image collection from around the web:
Thor meme spin-offs (Hawk Eye, Loki, Incredible Hulk)
Abe 'e syempre gumawa na din kami. Yung siguradong malakas ang tama.