Epal: Huy! Kanina pa kita tinatawagan hindi mo sinasagot.
Mas Epal: Nasa loob yung cellphone ko, nakacharge 'e.
Epal: Ano bang meron dito? Ba't ang daming kalat dito sa labas ng bahay nyo?
Mas Epal: Gago garage sale 'to. Binibenta ko yung mga hindi ko ginagamit para may extra cash ako.
Epal: Ayos 'a. Madami na bang bumili?
Mas Epal: Ok lang. Marami-rami na rin. Kaninang umaga pako dito 'e. Uy teka, si Kaloy parating, kakasweldo lang nito baka mabentahan natin.
Epal: Gago wag na yan. Magulang yan. Malulugi ka lang dyan.
Mas Epal: Sus, kung sa gulangan lang kaya kong daanin sa sales talk yan. Akong bahala. Kaloy!
Kaloy: 'O baket?
Mas Epal: San ka punta? Bili ka muna dito.
Kaloy: Ano bang meron? Ano 'tong mga 'to?
Mas Epal: Mga lumang gamit ko, binibenta ko, mura lang.
Epal: Kakasweldo mo lang diba? Bili ka na. Tingin ka lang dyan, madami yan.
Kaloy: Wala naman akong kailangan 'e. Next time na la... Case ng iPhone yan 'a. Binibenta mo ba yan?
Mas Epal: Oo. Baket, gusto mo? May iPhone ka ba?
Kaloy: Tangna ba't naman ako bibili ng case kung wala?!
Mas Epal: Wala lang. Hindi kasi bagay sayo may iPhone.
Kaloy: Leche, ayoko na, hindi nako bibili.
Mas Epal: Hinde joke lang. Sige bilhin mo na yan. Hindi ko naman gagamitin yan.
Kaloy: Magkano ba 'to?
Mas Epal: 450 lang.
Kaloy: Wala nang bawas? 200 na lang.
Mas Epal: Lugi naman ako don. Mura na nga yung 450 'e.
Kaloy: 'E hindi mo naman gagamitin diba? 200 na lang.
Mas Epal: Hindi talaga pwede. Hanggang 350 lang siguro. Pero sagad na yon.
Kaloy: Sige na nga. 350, kunin ko na yan.
Mas Epal: Ipaplastik ko pa ba?
Kaloy: Wag na.
Mas Epal: 'O eto.
Kaloy: Sige, salamat. Una nako, nagmamadali ako 'e. Salamat ulit.
Mas Epal: Sige, salamt din!
Epal: Mas magulang ka nga hahaha. Ang gling mo nga mag-sales talk. Konting usap lang may 350 ka na agad.
Mas Epal: Syempre. May extra pa. Bwahahaha!
Epal: Baket?
Mas Epal: Nakalimutan nya kunin yung sukli nya nyahahahaha!
Epal: Gago, nagbayad ba sya?
Mas Epal: Put*ng ina naman!
