Epal. Mas Epal. : Safety First

Epal: 'O baket mo ako pinapunta dito? Akala ko ba dadaanan mo na lang ako sa bahay?

Mas Epal: 'E may topak kasi 'tong kotse 'e. Ayusin ko lang tapos alis na tayo.

Epal: Matagal pa ba yan?

Mas Epal: Mga 45 minutes pa siguro. Yosi ka muna dyan. O kaya nood ka muna ng TV sa loob.

Epal: Naiinip nako 'e. Ano ba kasi yang ginagawa mo?

Mas Epal: Kinakabitan ko lang ng maraming bumpers yung palibot nung kotse.

Epal: Ha? Baket???

Mas Epal: Para medyo safe tayo pag nabangga. Sira kasi yung brake.

Epal: Ah ok... sige kabitan mo na din ng bumpers yung pisngi mo.

Mas Epal: Baket?

Epal: Para mas safe ka pag binangga ko yung muka mo sa pader hayup ka.