KFC (Kimmel Finagtripang Commercial)



Sobrang naging issue nito sa mga Filipino. May mga nagsabing "racist" ang ginawa sa Jimmy Kimmel Show, meron ding mga binanatan ang KFC dahil kabobohan daw na nilipat lang nila yung cheese sa ibabaw. Ganon ba ka-pathetic ang utak ng mga internet users sa Pilipinas? Hindi ba alam ng mga tao kung kailan "racist" ang isang bagay at kung kailan comical? Hindi ba nila naisip na marketing concept yan ng KFC na kinailangan lang nilang may ma-offer na "bago" sa mga tao? Ang daming nagtatanong kung baket naman daw kasi ilalagay ang keso sa ibabaw? Ang dahilan dyan ay kapareho ng dahilan kung baket nilalagyan ng keso ang crust ng pizza. At yon ay para mapag-usapan. Yan ang tinatawag na marketing strategy. Hindi namin sinasabing maganda yung concept, ang punto dyan, non-issue dapat yan. Hindi dapat nagalit ang iba kay Jimmy Kimmel, at hindi din dapat binira ang KFC.

Pero dahil nga mahilig tayo sa spoof ng issues...