Robert Jaworski posibleng bumalik sa PBA

Ireretiro na ang #7 jersey ni Robert Jaworski sa July 8, 2012. Malaking event yan para sa mga Ginebra fans. Lalo na dun sa mga fans ni "Jawo" na umaasa parin na maglalaro pa sya ulit (Yan yata yung mga fans na naniniwalang buhay pa si Elvis Presley, Tupac, Bob Marley at nasa isang secret island lang sila) Pero sabi ni "Big J", jersey lang daw nya ang magiging retired, dahil kung sya daw, kaya pa naman nya. Ayaw pa daw nyang iwanan ang basketball dahil mahal nya yung sport. Pabiro nyang sinabi yan, at alam naman ng mga tao na si "Big J' ay big joker talaga minsan. Pero sa tulong ng science at advanced technology natin ngayon, sa tingin namin posible na bumalik talaga sa PBA si Robert Jaworski. Alam ng lahat na isa sya sa pinaka buo ang puso at pinaka matalas ang utak pag naglalaro noon, at kung sa future maging posible na ang complete artificial full body replacements, patuloy syang kikilalanin bilang "The Living Legend". At masasaksihan natin ang utak at puso ni "Jawo" sa cyborg na katawan  At ang kinikilala ngayon bilang Robert Jaworski ay kikilalanin bilang Robot Jaworski.


Hindi talaga namin alam kung pano kami umaabot sa ganitong usapan.