Kelly: Jason! Hayup ka, sinungaling ka!
Jason: Baket???
Kelly: Sabi mo hindi ka mangbababae! Alam kong nakikipaglandian ka sa ibang babae sa internet!
Jason: Ha?
Kelly: Wag ka nang magmaang-maangan! Gumawa ako ng account sa isang date site dahil may kutob akong nakikipaglandian ka don! Tapos hinanap ko yung profile mo, nakita ko ang dami mong kalandian!
Jason: Sorry na. Sige inaamin ko nagsinungaling ako. Pero nagsinungaling ka din naman 'e.
Kelly: Ang kapal ng muka mo! Pano ako nagsinungaling?!!
Jason: Nakita ko din yung ginawa mong profile sa date site. Nilagay mo don "fun to be with" ka.
Kelly: Gago!
