Kapatid

Kung may bagong member ang pamilya nyo, pananakit ba ang isasalubong mo sa kanya? Halimbawang nanganak ang nanay mo, pahihirapan mo ba muna yung baby bago mo sya matanggap bilang kapatid? "Kapatid", hugot sa salitang "patid" na ang ibig sabihin ay "putol". Sa salitang "putol" hugot ang "utol". Ang kapatid ay kaputol. Ang bawat kaputol ay nagsisilbi din bilang kadugtong. Kadugtong na inaasahang magpapatibay sayo. Pero pano kung ang mga kinikilala mong mga kadugtong, kaputol, at kapatid ang mismong PAPATID SA BUHAY MO?

image hugot dito

Tang ina ng mga fraternity. Oo, may ilan ding kabutihan na umuusbong galing sa kanila. Oo, may pakinabang minsan ang pagiging "kabrod". Oo, minsan pader mo ang fraternity na pwedeng sandalan. Pero minsan gumigiba ang pader na dumadagan sa mga nakasandal. Mas maraming paligro kesa pakinabang. At ang ilang kabutihan na umuusbong ay kayang-kaya lunurin ng balde-baldeng dugo na umaagos sa bawat neophyte. 

Wala nang pag asa na bumalik pa sa pagiging tunay na kapatiran ang fraternities sa Pilipinas. Maraming magpapanggap at sasabihing "iba kami", pero kung nananakit at nagpapahirap din sila, ano nga ba ang kinaiba nila? Kung proteksyon ang inaalok nila, hindi ba ibig sabihin lang na kaduwagan ang pagpasok dyan? Putang ina wag na nilang gamitin ang salitang "kapatiran". Tawagin na lang nilang "kabodyguardan". Baket mo nga ba kakailanganin ng proteksyon kung wala kang kaaway. Hindi ba ang pagsali sa fraternity pa nga minsan ang dahilan kung baket ka nagkakaron ng kaaway? Nagiging obligado ka na awayin din ang mga kalaban nila sa pataasan ng ihi. At idadawit ka sa rambol dahil para sa kanila yun ang pakikisama. 

Hindi lang sa mga frat members lumalagpak ang pagkakamali tuwing may namamatay sa hazing. Kung tutuusin, hindi sila ang may awak ng buhay mo. Ang pagkakamali ay nagmumula sa desisyon ng isang tao na pasukin ang huwad na kapatiran. Kung may nanliligaw sayong fraternity, itanong mo muna sa sarili mo, kailangan mo ba talaga yan sa buhay mo? Kung kapatiran talaga yan, baket kailangan saktan ka bago ka matanggap, at baket kailangan saktan ka kung sakaling gusto mong kumalas? At baket kailangan babuyin ang katawan pati na pagkatao mo? Para ba matutunan mo kung pano din mangbaboy ng mga susunod sayo?

Baket nga ba bago ka hampasin ng paddle sasabihan ka ng 
"hold your balls"? 'E diba yung sumasali sa fraternity mga wala namang balls?