History


Pinaghugutan: "Epal"



MgaEpal.com Creavolution
Simple lang ang simulain ng MgaEpal.com  Ginusto lang namin magkaron ng lugar na pwede naming putukan ng mga personal na banat, hirit, at kung ano-anong paniniwala, reaksyon, at opinyon. Kahit kapos sa oras at kaalaman, pinagtyagaan naming igapang ang konsepto. Naisip namin na bahala na, wala namang mawawala. Sinumalan naming magtimpla para dito dalawang araw bago magbagong taon. Binalak naming sindihan ang site sa New Year. Inisip namin na gusto namin syang magmukang art project. Nung natapos na kami, ok naman ang kinalabasan. Mukang art project nga. Kung ang pinagawa sayo ng art teacher ay magsuka sa illustration board. Makalat, madumi, at kadiri. Pero naisip namin na sa susunod na namin aayusin dahil ang importante naman ay ang mga pabasa (At tinatamad na din kami.mag-ayos) Nung December 31, inantay namin ang pagpasok ng bagong taon. Sa pagpatak ng 12:00am ng January 1, 2010 sinindihan namin ang MgaEpal.com. At ngayon, patuloy parin ang pagsabog ng website na nagsimula sa simpleng "Bahala na."

 
Baket "MgaEpal.com?"
Baket hinde? Nung nag-umpisa kami, wala namang nakakaalam nito. Walang nakaka-kilala. Walang may paki-alam. Inisip namen "Anong sasabihin ng mga tao?" Na mga epal lang kami. Totoo naman. Sumasagot kami nang hindi naman tinatanong. Nagbibigay ng reaksyon at opinyon kahit walang kinalaman sa amin. May dalawang klase ng epal; Negatibong epal, na pumapapel ng walang dahilan, o para sa sariling kapakanan. At positibong epal, na umaalam sa dapat alamin, nagpapa-alam sa mga dapat malaman, at nakiki-alam sa mga dapat paki-alamanan. Sa panahon ngayon kulang ang positibong epal sa mundo kaya nagpapatuloy ang negatibong kaepalan. Pag may tamad sa serbisyo, nahihiyang magreklamo. Pag may nakitang gumawa ng mali, takot magsumbong. Pag may hindi alam, ayaw magtanong. At pag may nahihirapan, nag-aalangan tumulong. Sa mga ganyang sitwasyon, kung hindi ka eepal, kupal ka.


Alamin. Ipaalam. Maki-alam.


MgaEpal.com Short Story
New Year's day, January 1, 2010... It was the beginning.

Four complex individuals that built a bond of brotherhood for more than a decade has risen for a purpose. Minds overloaded with random thoughts, opinions, and reactions from social issues and current events. They believed that stagnant emotions should be awaken, the ignorant should be made aware, and the dejected should be given a reason to laugh and smile. They are four of a kind, four friends with a mission. And all they needed to accomplish the task was an internet connection. Four ninja authors from the Philippines were brought together by a higher power to form the mighty and legendary MgaEpal.com

Astig ba? Ang ganda 'no? Kunyari na lang naintindihan mo. 


___________________________________________________________________________________
  MgaEpal.com Site Contents: Satire, Opinions, Reactions, Commentaries